ABAKADA: Ang Baybayin sa Kasalukuyang Daloy ng Pluma
- krebsycle
- Aug 31
- 1 min read
ABAKADA, pamilyar ka ba sa katagang ito?
Bata ka pa lamang, tiyak naging kaibigan mo na ‘to.
Kasama si nanay sa pagsambit ng mga titik,
Dala-dala ang aral hanggang sa iyong paglaki.
E paano kung aking sabihin na,
Gaya ng abakada, mayroon pang nakalihim,
Handang matuklas at aralin,
Ito ang baybayin, ang sinaunang uri ng panunulat natin.
Laging nakikita sa mga disenyo’t sining,
Matamlay naman kung gamitin sa akademikong silid.
Nawawalan ng diwa at saysay,
Ngayon, kung hindi natin ito isasabuhay.
O, bakit ba natin kinakalimutan ang ugat?
Paano ang pagsibol ng sariling pagkakakilanlan kung mananatili itong sugat?
Raragasa ba ang paggamit nito sa kasalukuyan,
Sa pluma ng bawat manunulat at sa pagbabasa ng bawat mamamayan?
Tanging tayo ang makakapagpabago nito,
Unawain, aralin, at mahalin natin ito.
Walang masama kung ating susubukan,
Yanong kay sarap makita, baybayin sa daloy ng pluma.
Comments